Dies Faustus (de-ias-fau-stus)

Minsan nyo na bang maranasan ang ganitong klaseng mapalad na araw?

.

Dies Faustus (de-ias-fau-stus)

__

Sa pagdilat ng aking Sabado,

bungad mo’y nag-iinit na puso.

Inunan ko’y braso mong makisig,

kinukumutan pa ng pag-ibig.

Dilat ang ‘yong mapungay na mata,

puno ng pananabik at tuwa.

Labi mong mapula’t nakangiti,

agad na lumapat sa ‘king labi.

Ikaw yata’y mapalad kong araw,

‘di kita sasabihang bumitaw.

.

.

August 5, 2010 4:00pm

LemOrven