Ang Escolta sa Aking Mata (Matapos ang Isang Taon ng Gawa)

Isang Sabado ng umaga. Nakatayo ako sa harap ng historical marker na nakalagay malapit sa paanan ng tulay sa Calle Escolta. Ito ay inialay sa bayaning nagngangalang Patricio Mariano (1877-1935) at mukhang matagal nang napapabayaan. Marumi, halos hindi na mabasa ang mga nakalagay at mas masangsang pa ang amoy kumpara sa Estero dela Reina na nasa likod lang nito. Sa kalagayan ng istruktura, hindi mo aakalaing isa itong pagkilala ng bansa para sa isang natatanging Pilipino.

Ang marker ng bayaning si Patricio Mariano sa panulukan ng Callejon Banquero at Calle Escolta, bago ito muling ipinaayos.

Ang marker ng bayaning si Patricio Mariano sa panulukan ng Callejon Banquero at Calle Escolta, bago ito muling ipinaayos.

Kumpara sa ibang bayani ay hindi natin gaanong kilala si Ginoong Mariano. Ngunit kung pagbabasehan ang nakalimbag na teksto sa marker ay masasabing importante ang naiambag niya sa kasaysayan. Sapat na ang mga salitang iyon upang idulog sa mga kinauukulan ang kondisyon ng marker at para ibigay na rin sa kanya ang paggalang na tulad ng ibinibigay ng bayan kina Rizal, Bonifacio at iba pang kilalang bayani.

Enero 28, 2015. 80th death anniversary ni Ginoong Mariano. Sinulatan ng Escolta Revival Movement ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) upang ipaalam ang sitwasyon at humingi ng tulong upang maipaayos itong muli. Wala pang isang araw matapos na maipadala ang sulat, dumating ang mga mababait na tauhan ng NHCP upang pinturahan at ibalik sa dating anyo ang palatandaan. Sinabihan din nila ang katabing vendor na siguraduhing walang iihi o magdudumi sa paligid nito. Wika nga ni Kuya Jun, ang namamahala sa mga nag-ayos ng marker, kahit man lang sa simpleng paraan ay maipakita nilang pinapahalagahan nila ang Escolta sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa alaala ng isang bayaning maituturing na mahalaga sa nakaraan ng ating lipunan.

Ang ginawang pagsasaayos ng NHCP sa marker ni Ginoong Mariano.

Ang ginawang pagsasaayos ng NHCP sa marker ni Ginoong Mariano.

Isinama ng NHCP sa pagpipintura ng marker ang pag-aayos sa konkretong pinagkakabitan nito.

Isinama ng NHCP sa pagpipintura ng marker ang pag-aayos sa konkretong pinagkakabitan nito.

Sa ngayon ay mas maaliwalas na ang itsura ng marker ni Ginoong Mariano kaysa dati. Sa kagandahang-loob ng Escolta Commercial Association Inc. (ECAI) ay nilagyan ng karatula ang tabi ng marker upang ipaalala sa lahat na karapat-dapat ang bayaning tulad ni Ginoong Mariano sa respeto at pagkilala nating mga Pilipino.

Ang naging kalagayan ng marker ni Patricio Mariano ay maihahalintulad sa sitwasyon ng Calle Escolta. Bilang dating sentro ng komersyo, nagsilbi ang kalsadang ito sa kalakalan ng buong bansa sa napakahabang panahon. Kinilala ito at nanatiling kapaki-pakinabang sa kabila ng napakaraming trahedyang pinagdaanan nito. Sa kabilang banda, dumating ang malawakang modernisasyon at nag-iba na ang takbo ng ekonomiya. Mula sa pagiging aktibo’t maayos na kalye ay nakalimutan na’t biglang natahimik ang Escolta. Ang dating ligtas at malinis na mga bangketa ay nagiging mukha na ng kahirapang sinasalamin din ng marami pang lugar sa Kamaynilaan.

Bagaman nariyan ang dumi at kawalang-kaayusan ngayon ay hindi nito maitatago kung ano ang Escolta noon. Ang mga gusaling maituturing na survivor ng digmaan noong 1945 at ang mga kuwento ng iba’t ibang magagandang alaala ang mga sumisira sa paniniwalang sa mga aklat ng kasaysayan na lang makikita ang kalsadang minsang tinahak ng mga pinakasikat na Pilipino. Ang mga ito, kasama ang mga tao’t grupong nananalig na maibabalik pa ang dati nitong sigla ang mga patunay na sa kabila ng lahat, hindi pa patay ang Escolta.

Isa ako sa kanila. At ngayong buwan ang unang anibersaryo ko bilang volunteer ng Escolta Revival Movement.

Larawan ng inyong lingkod habang suot ang Escolta shirt.

Larawan ng inyong lingkod habang suot ang Escolta shirt.

Hindi na bago sa akin ang magtrabaho para maayos ang lugar na tinuturing ng marami na wala nang pag-asa. Nang dalhin ako sa Escolta ng isang kaibigan mula sa Heritage Conservation Society-Youth, naging madali sa akin ang idugtong ang buhay ko doon para makatulong. Ngunit tulad ng dati kong naging misyon bilang youth leader ng gobyerno, hindi naging madali ang lahat para magkaroon ng saysay ang mga bagay-bagay. Alam ko yun dahil wala namang long exam na mape-perfect mo agad-agad. Bilang indibidwal na ating tanging hiling ay makita ang Maynila na kaaya-aya tulad ng dati, kailangan ko itong pagpaguran at kailangang magsakripisyo ng iilang bagay para gawin ang nararapat. Dito ako magsisimulang muli sa Escolta.

Hindi maiiwasan ang mga di pagkakaunawaan, colflicts of interest, miscommunication at iba pang nagiging hadlang para hindi umandar ang adbokasiya. Nakakalungkot na makita ang iilan na nag-iisip na mali ang mga ginagawa ko dahil sa napakaraming kadahilanan. Aaminin ko na ako’y may mga pagkakamali at handa akong humingi ng kapatawaran. Hindi naman ako perpektong lider. Magkagayunman, hangga’t alam kong para sa kabutihan ng marami ang misyon, gagawin ko iyon dahil alam kong may mga taong nagtitiwala sa kakayahan ko. Hindi ko sila bibiguin.

Isang malaking consolation sa akin ang maka-daupang-palad ang mga taong tinitingala sa kani-kanilang larangan. Mula sa mayor ng Maynila at chairman ng MMDA hanggang sa barangay chairman na nakakasakop sa Escolta, hindi ko inakalang ang mga personalidad na iyon ay magiging bahagi ng aking mga ginagawa. Nakakatuwang karanasan din ang lumabas sa telebisyon para i-promote ang mga gawain namin kung saan pwedeng sumali ang lahat. Kasama ang mga kaibigan mula sa iba’t ibang grupong tagasuporta, inilalahad namin sa kanila ang lahat ng tungkol sa Escolta at kung bakit mahalagang tulungan nila ang isang kalyeng kinalimutan na ng ekonomiyang lubos niyang pinaglingkuran. Nagkaroon ng mga positibong tugon, pero nariyan din naman ang mga negatibo. Magkagayunman, obligasyon namin na kunin ang pagkakataong gawing positibo ang mga negatibong resultang iyon.

twt-2014-escolta-06

Screenshot mula sa interview ng programang Cityscape ng ABS-CBN News Channel.

Pagpupulong ng Escolta community kay Manila Mayor Joseph Estrada noong Mayo 2014.

Pakikipagpulong ng Escolta community kay Manila Mayor Joseph Estrada noong Mayo 2014.

escolta-meets-mmda

Pakikipagpulong ng grupo kay MMDA Chairman Francis Tolentino.

Ang taong nagtitiwala sa akin ay naging mga bago kong kaibigan. Sila ay mga professors, architects, artists at maging high school, college at graduate school students; gayundin ang mga building owner, office employees, security guards, young professionals at mga simpleng taong araw-araw na nabubuhay sa pangarap na sana’y bumalik ang kaayusan sa pangalawa nilang tahanan. Nakakataba ng puso na makita ang mga ngiti, ang mga pasasalamat at mga salitang nagbibigay-inspirasyon sa amin na gawin ang makakaya para umusad ang kanilang mga pangarap.

Sa loob ng isang taon, wala naman talagang malaking pinagbago sa kalagayan ng Escolta, kahit ilang media o ilang daang turista na ang bumisita upang makita ang ganda at pangit sa dating sikat na kalsada. Ang mga pisikal na pagsasaayos ay nasa diskresyon pa rin ng Manila city government kaya patuloy naming tinatawag ang atensyon nila tungkol sa mga isyu ng security, lighting, sidewalk, walang kwentang barangay officials, pasaway na mga vendor at ang pagpapasa sa pagiging heritage zone ng Escolta.

Habang hinihintay ang mga malawakang pagbabago ay sinasamantala namin ang pagbuo ng mga event para mas mapalaganap ang kaalaman ng publiko tungkol sa Escolta. Bilang mga volunteer ay wala kaming sapat na pondo upang gumawa ng mga pisikal na pagsasaayos, kaya mas mabuting ginagamit namin ang kayamanan ng isipan at diskarte upang madala ang mga institusyong may kakayahang gawin ang mga iyon.

Ang mga pangalawang magulang namin sa ECAI ay mahigit dalawang dekada nang humahanap ng paraan para muling magliwanag ang Escolta. Sa kabila ng pagiging magkaka-kompetensya sa negosyo, ipinapakita nilang hindi saklaw ng pera ang tagal ng kanilang pagsasamahan bilang isang Asosasyon. Tanggap nila ang kanilang mga kakulangan at minsa’y hindi pagkakaintindihan dahil sabi nga nila ay “tumatanda” na’t medyo “napapagod” na sila. Kahit ganoon, naniniwala akong sa gitna ng mga pagsubok bilang isang institusyon, patuloy pa rin silang naniniwala na maaabutan pa nila ang bagong panahon ng Escolta. Kasama akong naniniwala at tumatrabaho para sa pangarap na iyon.

Ang unang taon ay umpisa pa lamang ng mas marami pang tagpo para sa akin sa Escolta. Mula sa orihinal kong pakay na suportahan ang panawagang gawin itong heritage zone ng pamahalaan, natanto ko ang sarili ko na mas marami pa akong pwedeng gawin upang makatulong.

Para sa akin, ang Escolta ay hindi lamang isang lugar na dapat puntahan para alalahanin ang kanyang kasaysayan at protektahan ang mga pamanang nasa bingit ng pagkasira. Sa aking mga mata, ang Escolta ay isang lugar kung saan masarap mangarap, kung saan ang mga pagsubok ay mahirap pero malulutas nang may pananampalataya at pag-asa, at kung saan magmumula ang bagong henerasyon ng mas produktibong mamamayang Manilenyo at Pilipino.

Nagpapasalamat ako sa mga tao’t institusyon na patuloy na sumusuporta at gumagawa ng paraan upang maibalik ang nawalang sigla ng Escolta. Nagpapasalamat din ako sa pagbibigay ng tiwala sa kakayahan ng inyong lingkod upang palaganapin ang Escolta sa lahat ng paraan at sa lahat ng pagkakataon.

Sa aking ikalawang taon, nawa’y iadya pa ng Langit ang dagdag na buhay at mas maayos na kalusugan upang ibahagi ang aking makakaya para sa ikabubuti ng Escolta. Dito ko natagpuan ang panibagong misyon na muntik ko nang iwanan at alam kong sa lugar ding ito sisibol ang aking panibagong paniniwala para sa magandang kinabukasan ng lungsod kong tinatangi’t minamahal.

Ang kasalukuyang official logo ng Escolta Revival Movement.

Ang kasalukuyang official logo ng Escolta Revival Movement.

2014 YEARENDER: #fortheloveofheritage

Minsan kong nabanggit sa isa sa aking mga Facebook post noong 2013 na gugulatin ko ang buong mundo sa 2014. Nang bitawan ko ang mga salitang iyon, bukas ang aking isipan sa realidad na binigyan ko ng pinakamalaking hamon ang aking sarili bilang isang Manilenyo at bilang isang Pilipino. Nagdaan nga ang tatlong daan at animnapu’t limang araw, masasabi kong hindi naging basta-basta ang taong magtatapos. Sa kabila niyon, hindi naman ako nabigo sa aking binitawang pangako. Katuwang ang daan-daang indibidwal na aking nakasalamuha, ipinagmamalaki kong sabihin na ginulat ko ang daigdig ngayong 2014.

Rescue, revive, relive Escolta!

Ilang buwan mula nang lisanin ko ang paglilingkod bilang kabataang lider ng pamahalaang lokal ng Maynila ay dinala ako ng aking mga prinsipyo sa isang tagong kalye sa tabi ng Ilog Pasig. Ang Escolta ay nakilala bilang isa sa mga pinakaunang pangunahing kalsada sa Pilipinas at siyang nagsilbing pangunahing pook pang-kalakalan ng bansa noong ika-19 dantaon. Kaiba sa kanyang katanyagan sa nakaraang apat na siglo, ang Escolta ngayon ay tinuturing na lamang bilang isang simpleng kalye sa Maynila na hindi nabigyan ng nararapat na pagkilala sa kanyang mga naging kontribusyon sa lipunan. Gamit ang kakayahang hinubog ng tadhana sa nakalipas na mga taon ay tumulong ako sa muling pagbuhay ng makasaysayang lugar na ito. Kasama ang mga kapanalig sa Heritage Conservation Society-Youth (HCS-Y) at Escolta Commercial Association Inc. (ECAI), naipalawig sa taong ito ang awareness campaign upang makilala ng mas nakararami ang Escolta. Bawat buwan ay naitatampok sa telebisyon, pahayagan, Internet at social media ang Escolta. Dahil dito’y mas dumami na ang mga taong gusto siyang makilala nang lubusan at karamihan sa kanila ay mga kabataan. Marami pang dapat gawin pero tiwala akong mapagtatagumpayan namin ito.

#selfiEscolta

Sa mga event na in-organize ko, ang #selfiEscolta noong July 5 na ang masasabi kong pinaka-makahulugan sa lahat. Bilang kauna-unahang street heritage festival sa Maynila, ibinandera namin sa madla ang kahalagahan ng Escolta sa pamamagitan ng sunod-sunod na tour, art market at night concert. Sa kabila ng muntikan nang pagka-postpone nito at iba pang naging problema, aberya at pagsubok habang dinadaos ang #selfiEscolta, ipinagpapasalamat ko sa Maykapal na naging matagumpay ang event na ito. Nagbukas ito ng mas maraming oportunidad upang dayuhin at kilalanin ng mga kapwa Pilipino at banyaga ang Escolta.

Boses ng Escolta

Nasanay akong magsalita sa harap ng maraming tao bilang youth leader ng lungsod. Ngayong taon, malugod kong ibinahagi sa marami ang lumalaking adbokasiya ng Escolta Revival Movement. Mula PLM, La Salle Dasma at UST hanggang Inquirer, TV5 at ANC, ginamit ko ang aking kakayahang mangaral upang ilahad kung gaano kaimportante ang Escolta sa kasaysayan at kung paano makakatulong ang sambayanan sa muli nitong pagsigla.

Mula Antipolo hanggang Iloilo

Bilang aktibong kasapi ng HCS-Y ay nagkaroon ako ng pagkakataong mapasyalan ang maraming lugar kung saan makikita ang mga kayamanang hindi matutumbasan ng modernisasyon at bagong teknolohiya. Ito ang mga istrukturang naging saksi ng pagbabago ng ating lipunan ay nananatiling nakatindig at ipinapakita kung gaano karangya ang Pilipinas noon. Nariyan ang mga bahay sa Malabon, ang Santos House ng Antipolo, ang aking muling pagbabalik sa makasaysayang lungsod ng Malolos at ang napakagandang downtown ng Iloilo City.

Mula artista hanggang Arsobispo

Hindi sumagi sa aking mga ambisyon ang makilala, makamayan at makausap ang mga personalidad na magiging mahalagang bahagi ng kasaysayan sa hinaharap. Sabi ko nga, kung panahon lang ngayon ng Kastila o Amerikano, masasabi ko nang napakasuwerte kong indio. Nakadaupang-palad ko ang anak ni Comedy King Dolphy na si Eric Quizon upang hingiin ang basbas ng pamilya upang itampok ang kanyang dakilang ama sa Escolta. Hindi ko aakalaing makakasama ko sa adbokasiya ang tanyag na arkitektong si ICOMOS Philippines president Arch. Dominic Galicia. Nakausap at nakatext ko rin sa ilang pambihirang pagkakataon si MMDA Chairman Francis Tolentino. Naging personal na kaibigan naman namin ang butihing administrator ng Intramuros na si Atty. Marco Sardillo. Nakakamangha rin na makamusta ang dalawang mayor ng Maynila: sina Hon. Alfredo Lim at dating Pangulong Joseph Estrada. Higit sa lahat, nakakataba ng puso ang mahawakan ang kamay, maka-selfie at biglaang maimbitahan nang personal sa kanyang Noche Buena ng Inyong Kabunyian, Luis Antonio Cardinal G. Tagle, ang arsobispo ng Maynila.

Kung ano-ano

Patuloy pa rin akong nagsusulat, bagaman hindi gaanong makapag-post sa Aurora Metropolis. Pinipilit ko pa ring tuparin ang aking pangarap na makagawa ng libro karamay ang naluluma ko nang laptop at ilang tasa ng kape. Baka next time na lang. Hindi rin mawawala ang mga inuman session, magdamagang heart-to-heart conversation sa ilang mga kaibigan at ang magmahal-at-mahalin moments. Masarap ding malasing paminsan-minsan basta kasama ang mga taong pinagkakatiwalaan mo. Natututo na akong tumawid sa manipis na pisi para magtagumpay. Naniniwala pa rin ako sa tuwid na daan. Kahit di nagsisimba, marunong pa rin akong magdasal sa Kanya sa mga oras ng problema at saya. Masaya ang buhay at walang dahilan para malugmok sa kalungkutan.

Pangarap para sa Maynila

Pinili kong mahalin ang lungsod ng Maynila dahil alam kong karapat-dapat siyang mahalin. Bilang kabisera ng Pilipinas, pinapangarap ko ang mas maganda at mas maunlad na siyudad kung saan ang lahat ay nabubuhay nang payak at maligaya. Sa kabila ng patuloy na pagbura sa mga importanteng bakas ng kanyang nakaraan, hangad kong mamulat ang lahat – ang gobyerno at mga kapwa ko Manilenyo – sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kasaysayan ay kaakibat ng pag-unlad ng ating tanging lungsod sa kinabukasan. Hindi lahat ng luma ay hindi na kapaki-pakinabang.

Pasasalamat at pagkilala

Hindi matatapos ang artikulong ito nang hindi nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aking paglalakbay sa taong magtatapos.

Salamat sa aking mga kasama sa HCS-Y, lalong lalo na sa pamunuan at mga aktibong kasapi dito. Patuloy nating ipaglaban ang karapatan ng mga kayamanan ng ating bayan. Mabuhay po kayo!

Salamat sa mga namumuno sa ECAI, lalong lalo na kina Ms. Cely Sibalucca, Ms. Marites Manapat, at kina Sir Robert at Ms. Lorraine Sylianteng sa lahat ng tulong at suportang binibigay ninyo sa inyong lingkod habang ginagawa ang aking mga dapat gawin sa Escolta.

Salamat sa mga taong kumikilala sa Escolta at patuloy na kumikilala sa makulay na nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng minamahal nating Queen of Manila’s Streets. Darating ang panahon na makakamit din niya ang karangalang nararapat para sa kanya.

Salamat sa Heritage Conservation Society sa pangunguna nina Ms. Gemma Cruz-Araneta at Mr. Ivan Henares sa pagtitiwala sa mga kabataan upang maging sundalo ng ating adbokasiya.

Salamat sa aking mga kaibigan: Cherry Aggabao, Prof. Neriz Gabelo, Macky Macarayan, outgoing PLM-College of Mass Communication dean Ludmila Labagnoy, Stephen John Pamorada, Clara Buenconsejo at Jericho Carrillo ng HCS-Y; Sir Marco Sardillo, Marcus Luna, Christopher Hernandez, at Herbert Eamon Bacani at Albert Ampong ng HBOX.

Salamat sa’yo Escolta dahil dama kong ako’y iyong pinagkakatiwalaan. Mananatili ako sa’yo hangaang sa iyong muling pagsigla.

Salamat sa aking pamilya na patuloy na umuunawa sa akin. Sa kabila ng pagsubok na ating nararanasan ngayon, nawa’y manatili tayong malakas at manalig sa Maykapal. Kaya natin ito!

At ang pinakahuli, maraming salamat sa ating Panginoong Hesukristo, sa ating Inang Maria at Poong Sto. Nino. Salamat po sa pagbibigay Ninyo ng tuloy-tuloy na biyaya, sorpresa at talento upang gawin ang aking misyon sa mundong ito. Patuloy po Ninyong basbasan ang aming lungsod at tanging bansa ng pagpapala at lakas upang harapin ang mga pagsubok. Inaalay po namin ang tagumpay ng aming bayan sa Inyong karangalan. Amen.

Halos katumbas ng pagmamahal sa ating pamilya at Diyos ang pag-ibig natin sa ating bayan. Hangad ko na mas maraming Pilipino ang magmahal sa bansang ito sa darating na taon, lalo pa’t isa ito sa mga mahahalagang sangkap ng kaunlaran. Ang 2014 ay isang pahiwatig na tayo, bilang Pilipino ay nabubuhay nang may dahilan at ito ay para mahalin ang bayang ipinagkatiwala sa atin ng Langit. Sana’y pahalagahan natin ito.

When I Wake Up Before September Ends (In Memory of Manila’s ‘Sky Room’)

I opened my eyes and saw myself lying in the middle of ruins beneath the angry sun. That was one Saturday morning in the month of July. I woke up with hundreds of workers holding concrete hammers and drills in their hands. They were instructed by a gray-haired statesman to end my era to make way for development. I am no good for this society, they said. They kept on yelling each other to break my legs, hit my face and cut my throat immediately. I was speechless, helpless and felt worthless. They were butchering me. They were harassing me. The city I love is killing me.

I closed my eyes again and saw a familiar scene happened fifty five years ago, I was six years old when the city’s most devastated destruction almost killed me. I survived the war, revived my splendor and continued what I have to do for a living. I never knew my worth back then. I didn’t care about it for as long as my patrons needed me and they’re happy with me. I was every gambler’s precious prostitute and I was enjoying that kind of attention they gave to me. I didn’t mind about how they see me until the time when those who benefited from me were all gone. They all left me. Suddenly, I realized that I am a victim of my own fate. I endured thousands of bullets from foreign mortar just to be raped by my beloved locals. I was extremely abused, but I have no right to complain because this is my destiny. The city I love is persecuting me.

I opened my eyes once more fourteen years later, a day before September ends. For the longest time, I realized my own value when the guardians of our country already recognized my worth and beauty. But unfortunately, it’s too late. I no longer exist. However, my death brought immense faith to my enchanting old colleagues, hoping that they will be salvaged from politicians and capitalists whose interpretation of progress is obliterating the monuments of our magnificent past. They’re hanging on that piece of optimism very tight, waiting for their right moment and be recovered from a near-death state. They try not to give up. They try not to be like me. I thought it will not happen again. Sadly, their hopes ended in tragedy and their existence ended in misery. The city I love is murdering those aged treasures in a way they slaughtered me.

I closed my eyes in perpetuity. I don’t want to see my city changes its identity by destroying living testaments of her former glory. I hate to witness my city while losing her memory. One by one, day after day, they attempt to eradicate the city’s history akin to Nero when he burned Rome. They never listen to our sufferings, so might as well sleep and pretend to hear no cranes, no bulldozers and no tractors destroying those remaining historic edifices. The city of today is no longer the city that I used to love and the city that used to love me.

The Manila Jai Alai Building (1939) before its demolition in 2000.

The Manila Jai Alai Building (1939) before its demolition in 2000.