Depensa sa Lupang Hinirang at bakit dapat tayong “mamatay nang dahil sa’yo”

2015-category-title-tambuli copy

2018-09-article-tambuli-lupang-hinirang

Ang Marcha Filipina Magdalo o Himno Nacional na mas kilala bilang “Lupang Hinirang” (o “bayang magiliw” sa mga nagmamadaling sumagot) ay ipinanganak sa panahong unti-unti nang nagtatagumpay ang hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo laban sa mga pwersang Kastila.

Kung susuriin ang mga pangyayari tungo sa June 12, 1898, ang Pambansang Awit ay maituturing na suma-total ng libo-libong digmaan sa loob ng 333 taong pananakop ng Espanya sa ating arkipelago. Tagumpay man o hindi, taglay ng bawat titik ang talino, tatag at tapang ng milyon-milyong indio upang sa wakas ay makamit ng lahi ang kasarinlan. Sa lahat ng panahon at pagkakataon, ayon sa pananaw ng mga ninuno nating mandirigma, handa dapat tayong mag-alay ng buhay para sa kalayaan ng bayan at para sa kapakanan ng mga kababayan. Ika nga ng pinakahuling linya nito: “aming ligaya na ‘pag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa’yo”.

Malaya na ang Pilipinas. Natapos na ang malalaking sigalot at ang kalakhan ng bansa ay lumalaban na lamang sa mga pagsubok upang sa araw-araw ay manatiling busog at buhay. Sa pagbabago ng ating lipunan, may saysay pa ba ang linyang “ang mamatay nang dahil sa’yo” ngayon? May dapat pa bang mamatay para sa ating bayan?

Ito ang argumento ng ilang kritiko ng Lupang Hinirang, partikular ng kontrobersyal na huling linya. “Defeatist” diumano ang pakahulugan nito sa puntong hindi akma ang kamatayan upang maging dulo ng bawat paghahangad sa tagumpay. Wala na raw rason para itulak ang pag-aalay ng buhay para sa bansa, bagkus, mas nararapat na lamang itong “mahalin”. Kung tutuusin, mas positibo ang “magmahal” kaysa “mamatay” nang dahil sa Pilipinas sa panahon ngayon.

Hanggang saan ang kaya nating gawin para sa pagmamahal? Kaiba ba ang konsepto ng pagmamahal sa pagitan ng bansa at sa isang tao, hayop o relihiyon? Isang halimbawa ang seremonyas ng kasal kung saan lutang lagi ang katagang “till death do us part”. Handa tayong mamatay para sa pustahan: “peksman, mamatay man” o “cross my heart: hope to die”. Sa paniniwalang Kristiyano, lalo na sa mga Katoliko, bakit natin hinihingi kay Inang Maria ang panalangin “ngayon at kung kami’y mamamatay” o “now and at the hour of our death”?

Ituring nyo na akong konserbatibo sa usapin ng pagka-makabayan ngunit para sa akin, alinmang pagbabago sa alinmang bahagi ng Pambansang Awit ay maituturing na pandaraya sa mga datos ng ating kasaysayan.

Ang planong pagpapalit ng titik ng Lupang Hinirang ay isang porma ng “historical revisionism”.

Nananatili ang Lupang Hinirang bilang pinakamataas na himno ng bayan upang ipagdiwang ang bawat dunong at dugong inalay ng ating mga ninuno para makamtan ang kasarinlan. Nananatiili ang Lupang Hinirang dahil salamin ito ng sakripisyo ng mga nasawi sa gitna ng giyera o sa pakikipaglaban ng prinspyo para sa causa ng demokrasya. Nananatili ang Lupang Hinirang sa ating pambansang kamalayan upang patuloy na ipaalala sa atin na pahalagahan ang bawat layang tinatamasa natin hanggang kasalukuyan.

Walang dahilan para pagdiskitahan ang huling linya ng Lupang Hinirang. Pagbabalik ng kabutihang-asal at hindi pagpapalit ng mga salitang hinabi ng kabayanihan sa Pambansang Awit ang solusyon sa bumababang moral ng ating bansa.

cropped-article-stoper.png

FILM FESTIVAL | Cinemalaya 14 Opening (August 3, 2018)

2018-category-title-event-filmfest2018-aurora-event-08-cinemalayalayout-red-line copy

Another moment of great promises for the Filipino film industry.

Last August 3, the 14th season of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival was formally opened at the heart of the country’s cultural majesty, the Cultural Center of the Philippines (CCP).

The event was graced by the filmmakers of competing entries for full-length and short film categories, officials from Cinemalaya and the CCP and over a thousand of new and long-time Cinemalaya spectators inside the revered Tanghalang Nicanor Abelardo.

This year’s opening film was Erik Matti’s “Buybust” starring Anne Curtis whose presence made the night more special.

The venue was at its full capacity despite Buybust’s commercial run prior to its gala night at the Cinemalaya.

The Main Theater was filled with action-packed reaction and emotion for almost two hours which was definitely rare for a Cinemalaya opening film.

After the screening, Curtis expressed her awe on the audience’s ultra-positive reception, leaving her almost speechless and teary-eyed.

#Cinemalaya14 will run until August 12, 2018 at the CCP and in selected Ayala Cinemas nationwide.

CINEMALAYA-2018-OPEN-10

 

 

cropped-article-stoper.png

Cinemalaya Sa Aking Mata

2015-category-title-review-film20180803-review-cinemalaya-sa-aking-mata-intro

Bahagi na ng buhay ko ang Cinemalaya.

Ito ang nagsisilbing homecoming ko taon-taon sa tahanan ng ating napakatingkad ngunit mapanghamong sining ng pelikula. Pinaglalaanan ko ito ng pera at panahon dahil sa panahong ang ideya ng pinilakang-tabing ay nagkakaroon ng kalabuan, ang Cinemalaya ay tanglaw na marami pang magaganda’t may saysay na pelikula para sa kasalukuyang henerasyon. Mag-isa man o kasama ang mga kaibigan, ang Cinemalaya ay may ekstraordinaryong puwang sa aking kamalayan bilang Pilipino.

Dito sa Aurora Metropolis, nagkaroon din ng ispesyal na sandali ang Cinemalaya. Apat na pelikulang tampok sa ikapitong edisyon nito noong 2011 ang hinimay ko gamit ang aking sapat na kaalaman sa pelikula at binigyan ng sariling pananaw na may kaugnayan sa ating lipunan. Ang tinawag ko rito ay “Cinemalaya sa Aking Mata”.

Tatlong taon ang nagdaan, sa selebrasyon ng unang dekada ng Cinemalaya, napili ang inyong lingkod bilang isa sa mga kauna-unahang set ng peer reviewer sa Cinemalaya Campus, isang film education program na nagtuturo sa high school students at mga mag-aaral ng pelikula sa kolehiyo kung paano sumulat ng movie review. Ang pagkakataong ito ay tunay na karangalan dahil hindi lang nito nabigyang-kilala ang kakayahan kong mag-rebyu kundi ang kakayahan kong magbigay-inspirasyon gamit ang pagsusulat.

Dalawang taon din akong hindi nakapunta sa CCP para sa Cinemalaya dahil sa trabaho. Kaya ngayong 2018 ay nangako akong babawi sa naging tahanan ng pagmamahal ko sa pelikula. Muling papagaspas ang aking mga pakpak patungo sa pugad ng Cinemalaya sa CCP at tangkilikin ang mga magagandang obra ng ating panahon.

At pitong taon pagkatapos ng una nitong lathala, bubuhayin din ng inyong lingkod ang Cinemalaya sa Aking Mata at susulat muli ng maraming review para sa taong ito sa abot ng aking makakaya. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng Cinemalaya at ng aking ika-13 anibersaryo bilang fanboy ng Cinemalaya.

layout-red-line copy
Ang 14th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na may temang “Wings of Vision” ay magaganap mula August 3 hanggang August 12, 2018 sa Cultural Center of the Philippines at sa mga piling Ayala Cinemas sa buong bansa. Para sa schedule, i-click ito.

 

 

cropped-article-stoper.png