Duterte: Isang Bangungot

2015-category-title-tambuli copy2020-AURORA-post-featured-11-bangungot

Sa panahong mas kailangan ng pagkakaisa at maayos na ugnayan para makatulong sa pangangailangan, bakit mas piniling magmaktol ng isang lider sa ginawang pag-aksyon ng iilang nasa gobyerno sa panahon ng kalamidad?

Hindi nakakagulat ang pagbanat niya sa Bise Presidente, pero imbes na magpakita ng simpatiya sa mga biktima ng sunod-sunod na bagyo, kaliwa’t kanang kasinungalingan at pag-a-alibi ang pinagsasabi niya para pagtakpan ang kanyang mga kakulangan at kapalpakan.

Pero ang isa sa mga pinakanakakatawang sinabi niya ay kapag hindi tumigil ang Pangalawang Pangulo na magtrabaho at ipakitang ginagampanan niya ang sinumpaang tungkulin para sa lahat, magsisilbi siyang bangungot sa kanya kung pipiliin nitong tumakbo sa 2022.

Tama ang nabasa, narinig at napanood ninyo. Nagbabanta siya. Nananakot. Pinapakita ang “kapangyarihan” na hindi niya magamit para makatulong sa mas maraming nangangailangan. At ngayon ay ginagamit niya ito para manindak sa taong mas presidente pang umasta kaysa kanya.

Pero hindi ba niya naisip (o sadyang wala siyang isip) na mula pa noon ay isa na talaga siyang malaking bangungot sa Pilipinas? At gusto kong ipaalala kung nakakalimot kayo: Noon pa tayo binabangungot ng tatay nilang tamad! Libo-libo ang pinatay, pinakulong ang mga taong hindi sang-ayon sa kanya, pinakawalan ang pinakamasasamang personalidad sa lipunan, pinatay ang malawakang outlet ng media, nagkalat ng samu’t saring kasinungalingan at nagtatago sa panahong kailangan ng taumbayan ang presensya niya?

Bago siya maging malaking bangungot sa Bise Presidente, tayo mismo ang unang ginimbal ng bangungot na ito. At nasaan tayo ngayon? Nasa kadiliman ng kawalan na napipilitang makinig sa kanyang kabastusan, pagmumura at mga walang kakwenta-kwentang pagpapakita ng kayabangan, lalo na sa gitna ng pandemya.

Ang inaasahan ng marami na magsusulong ng bayanihan ang siya mismong nagwawatak ng ating bayan. Kung hindi pa sapat ang maglilimang taon nang bangungot na ibinigay niya sa lahat, gaano kalalang bangungot pa ang mararanasan natin bago tayo kumilos at mamulat?

Hindi natin deserve ang pinunong magdudulot ng takot at magsisilbing halimaw sa ating pagtulog. Ang kailangan natin ay pinunong tuturuan tayong managinip at inspiradong bumangon sa isang magandang umaga.

2020-headline-feature-fb-aurora-10-cropped.png

FAST POST 49: “May Nagawa Ka Ba?”

Kakaiba ang pulitika ng Pilipinas. Lumalagpas sa banggaan ng ideolohiya ang pagtatanggol ng mga Pilipino sa kani-kanilang pinaniniwalaang tao. At madalas, nagiging mayabang ang iba sa puntong nasa bilang ng mga naiambag sa lipunan ang karapatan mong magsalita para sa bayan.

“May nagawa ka ba?”

“Akala mo may naitulong kung makapagbatikos!”

May pinagkuhanang ideya ang ganitong pag-iisip, pero tama bang gawing batayan ang dami ng nagawa para makapagpahayag ng pananaw sa mga isyu sa lipunan?

Ang kalayaang magsalita, pabor man o laban sa institusyong tulad ng gobyerno ay walang natural na limitasyon. Bagaman may mga regulasyon upang hindi makasakit o makasira ng pagkatao o reputasyon, ang pagbibigay ng opinyon sa mga nangyayari sa ating paligid ay isang bagay na hindi pwedeng ikulong sa loob ng kahon. Ito ay basikong karapatang pantao at walang sinuman ang pwedeng magkait nito sa kapwa niya.

Maraming dahilan kung bakit walang magawa ang mga tao para sa lipunan, pero walang dahilan para pigilan ang sinuman para batikusin ang mga sinumang nanumpa ng maayos, tapat at makataong paglilingkod bilang opisyal ng pamahalaan.

FAST POST 48: We Must Be Resilient, But…

I see nothing wrong with the mentality of resiliency in times of crisis. It’s natural to us Filipinos. But our incompetent government is using this as excuse to make us wait of their quick response, especially for those who are most affected. And sorry to say, the media must be partly blamed for over-romanticizing Filipino resiliency to the point of making the victims feel self-pity of their situation.

We have to stay resilient and remain hopeful. On the other hand, we must be vigilant in making our public servants accountable for neglecting to respond quickly and attentively. In the midst of every storm surge, heavy rains and strong winds, swift actions can save more lives.

Our people in the government must remember the very purpose of service in times of crisis: Resiliency is a virtue but responsibility is a must.

Be resilient. Be faithful. Be vigilant.