Hindi Pa Ako Nakakapanood ng BL

2015-category-title-tambuli copy2020-AURORA-post-featured-boyslove

Napakainit ng reception ng mga Pinoy sa konsepto ng Boys Love (BL). Sabihin nating hindi ito ganoong bago sa pelikula at telebisyon kung ang pag-uusapan natin ay ang mga genre ng love, romance, adult teens at coming of age. Sa pagkakataon lang na ito ay mas nakasentro ang kuwento sa dalawang teenage o mid-20s na lalaki kung saan ang tingin ng lipunan sa kalalakihan ay mga nakababata pa o “boys”.

Namamangha ako sa mga kakilala kong patay na patay sa BL series at nakakaaliw basahin ang mga post nila sa social media. Pero aaminin ko: hindi pa ako nakakapanood ni isang BL series, galing man yang Thailand o gawa sa ating bansa. Napanood ko ang Call Me By Your Name last year pero yun lang yun. Nakukuntento ako sa trailer, pagkatapos niyon ay ayos na ako dahil pakiramdam ko ay alam ko na ang istorya. Cute naman ang mga bida, pero hindi talaga ako matulak ng bandwagon para sundan ang kasikatan nila. Noong una, akala ko ay nabi-bitter lang ako dahil maiinggit lang ako sa kilig ng mga istorya nila. Lumalabas ang insecurity ko sa mga taong fairy tale ang love story. Pero noong napag-isip-isip ko, hindi ito ang lumalabas na totoong rason.

My views are personal and may be unpopular, but let me elaborate:

Real Experiences

Marami na akong nasaksihan na iba’t ibang kaso ng “boy’s love”. Hindi pa uso ang Zoom ay may nakita na akong nagka-ibigan nang dahil sa video chat. May mga kilala ako na galing sa Catholic school na nagkagustuhan. May ka-clan ako dati na nagkagusto sa DOTA player at naging sila dahil sa magdamagang paglalaro sa internet cafe.

Sa mundo noon ng mga clan ay napakaraming gay love stories ang nasaksihan mismo ng mga mata ko. Ang iba ay, sabihin na nating, naranasan ko. Marami ang masaya ang naging takbo, ang iba ay nagtagal at tuloy sa kani-kanilang buhay at ang iba ay, kung hindi naging masama ang hiwalayan ay naging trahedya.

Sa trailer pa lang ng Hello Stranger ay may naalala na akong mga tao mula sa nakaraan. Paano pa kaya sa iba pang BL movies at series?

Not Making It Too Special

Idol ko ang ilang mga direktor, writer mga artista at producer ng BL. Hanga ako sa kanilang katapangan na maiangat ang ganitong konsepto sa kamalayan ng ordinaryong Pilipinong manonood. Hindi lang dahil para sa #LoveWins, ang tagumpay ng BL ay isang hakbang pausad sa pagtanggap ng lipunan sa equality, lalo na pagdating sa pag-iibigan ano pa man ang SOGIESC ng mga tao.

Pero sa paglobo ng BL sa Pilipinas ay para bang lumalabas ang sentimiyento ng iilan na kapag hindi mo pinanood ang mga ganitong palabas ay hindi mo sinusuportahan ang laban ng mga LGBTQIA++ para sa aming karapatan. Pero kung titingnang mabuti ay hindi dapat ganito ang pananaw ng hardcore advocates na para bang dapat ay gawing ispesyal o kakaiba ang viewing experience ng BL.

Paumanhin, pero para sa akin ay walang ispesyal sa BL. Huwag natin itong ituring na kakaiba sa mga pelikulang napapanood natin dahil lang dalawang lalaki ang tambalan. Kung may ispesyal man dito, ito ay ang ideyal na lahat tayo ay may karapatang magmahal.

Becoming Hopeless Romantic

Nasabi kong akala ko ay bitter lang ako o insecure sa mga istorya sa BL. Initial reaction naman ito ng mga taong umibig at nasaktan. Pero kung re-review-hin nyo ang blog ko ay marami rin akong nasulat na gay love story na papasang BL story. Dun ko naisip na natural pala ang pagka-hopeless romantic ko.

Aaminin ko na may kurot sa puso ang mga ganitong klaseng kuwento sa akin. Sa kabilang banda, alam kong may parte rito ang katotohanang hanggang kilig lang ang lahat at hindi ito mangyayari sa akin. May piraso ng realidad sa isip at puso ko na kahit gaano kasarap ang magmahal ay hindi ito nabibigay sa lahat. Hindi ko sinasabing hindi ako lovable, pero dahil alam ko ang twist and turns ng love, ako na rin ang umiilag sa sakit na pwedeng idulot ng sarap ng pagmamahal.

You may find my reasons for not watching BLs as individualistic. But why not? Love is, after all, an individual expression for another person. Lahat tayo ay nagmamahal dahil para ito sa atin. On the other hand, BLs are manifestations of society’s ongoing process of acceptance for equality and genderless love – and this is not a notion of individualism. Nae-enjoy ng lahat – babae, lalaki, LGBT – ang BL series at movies dahil dinadala nito ang mga manonood sa kung paano tunay na nagmamahal ang tao sa anumang pagkakataon o sitwasyon. Ang BL ay patunay na walang ispesyal na uri ng pag-ibig na, tulad ng habambuhay kong pinapaniwalaan, “love is love”.

Makakanood din ako ng isa o dalawang BL in the future. Babalitaan ko kayo. Gagawa pa ako ng review. 🙂

2020-headline-feature-fb-aurora-10-cropped.png

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s