FAST POST 47: Masuwerte Ka!

Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap sa marami nating kababayan ngayon ang tinamaan at patuloy na tinatamaan ng lintik ngayong 2020. Ilang araw na lang bago matapos ang taon, matapos ang nakakatakot na pandemya ay sunod-sunod naman ang pananalasa ng mga bagyo. At mukhang marami pa ang darating.

Marami sa atin ang umaangal pa rin sa kung anong meron tayo lalo na’t mahirap makatulog dahil sa masamang panahon. Pero baka nakakalimutan: masuwerte ka. Hindi ko iisa-isahin kung bakit. Ang isa-isahin mo ay yung posibleng mga paraan kung paano ka makakatulong.

Kung may sobra, magbigay ng magagamit, masisilungan o makakain. Kung sapat lang, makatulong sa pagkalat ng panawagan o manalangin.

Ilang araw nang nagdurusa ang mga nasa katimugan ng Luzon, lalo sa Bikol. Sa pagdarasal mo bago matulog, ibigay mo sa kanila ang dasal na sana ay manatili silang ligtas habang rumaragasa ang bagyo, baha o malalakas na hangin. At bukas, kung humupa na ay dagsain sila ng biyaya hanggang sila ay makabangong muli.

Pray harder. Sweet dreams.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s